masaya pag uwe…

aminado ako, double meaning etong title ng post na to.

1. sa loob ng 3 taong pag papaka-alila sa bansang ito, ngayon lang ako ngumiti tuwing umuuwe galing opisina.

2. masaya dahil muling babalik sa lupang sinilangan at mag-cecelebrate ng bday sa sariling bansa.

naging mahirap at challenging ang aking training ground sa pinagtratrabahuhan ko….ngunit datapwat etong paghihirap na to ang naging pondasyon ng aking kaalaman at tapang na harapin ang hirap sa araw araw na trabahong haharapin. masaya na mahirap…

sa aking pag uwe, masaya akong makita muli ang aking butihing ina, kapatid at kamag-anakan at kaibigan. matitikman muli ang mga wala dito. ngingiti sa tuwing may kaibigang makakasalamuha

sana lang po Lord, maging maganda ang panahon ng aking pag uwi.

excited na din ako sa pagpunta sa resthouse.

Leave a comment